
His hair. Yung lagi mong aayusin kapag nagugulo or nahahanginan. Yung ikaw lang pwede humawak at umayos tapos kapag ibang tao na gumawa nun, maiinis na siya. Yung hahanapin ka pa niya para lang ipaayos ang nagulo niyang buhok as a sign ng pagpapalambing. Yung hahawiin mo yung buhok niya para makita yung mga mata niyang nakatitig lang sayo.
His eyes. Ang mga matang dapat sayo lang nakatitig at walang tinitignan. Yung gagawa ka ng kahit anong paraan para sayo lang siya titingin, wala ng iba. Ikaw lang nakikita niya lalo na kapag magkasama kayo. Lahat ng nakapaligid sainyo ay parang nakablur dahil ang malinaw lang sa mata niya ay ikaw, yung kayong dalawa na magkahawak kamay.
His voice. That voice na hahanap-hanapin mo once na nawala. Na para bang music to my ears. Na pag narinig mo yung boses na yun, sobrang kumpleto na yung araw mo. Yung tipong pwede ka ng makatulog, mapasaya at mapangiti. Lalo na yung mga oras na kinakantahan ka niya at alam mong sayo niya lang ginagawa yun. Na bawat lyrics sa mga kanta niya, galing sa puso - dedicated at ginawa niya para sayo lang. Yung kinakantahan ka niya hanggang sa makatulog ka, gagawan ka ng kanta kapag may misunderstandings kayo para maramdaman mo lang kung gano rin siya kalungkot na napalungkot ka niya.
His smile. The extraordinary smile na ikaw lang nakakapagpalabas sa kanya. Yung kilig factor na nararamdaman niya tuwing magkasama kayo at alam mong ikaw lang nakakapagparamdam nun sakanya. Yung tipong kapag ngumiti siya, mahahawa ka rin at mapapangiti na para bang gusto mo lang siya yakapin ng sobrang higpit. Gusto mo laging nakikita yung mga ngiti na yun at hangga’t maaari, ikaw ang pinaka rason kung bakit siya ngumingiti ng ganun.